Saturday, October 10, 2009

tips for ondoy victims...

Isa sa mga katangian na dapat taglayin ng mga chochal ay ang pagiging generous at charitable para sa mga taong lubos na nangangailangan. Lalo na ngayon na madami sa mga kababayan natin ang nangangailangan ng tulong dahil sa bagyong Ondoy.
Kaya lang nahalungkat mo na ba ang buong cabinet mo at nabaligtad mo na ang buong bahay nyo pero wala ka pa ring makitang mga bagay na pwede mo idonate para sa mga biktima ng bagyong Ondoy? Pwes, akala mo lang wala, pero meron…meron…MERON! Read on.

1. I-donate ang mga iniregalo sa yo noong Pasko or birthday mo na hindi mo naman magamit. Sa halip na nakatiwangwang lang ang mga gamit na ito sa bahay nyo, ipamigay mo na lang. Halimbawa, may nagregalo sa yong arinola noong birthday mo. Dahil hindi mo naman magamit kasi nagda-diaper ka naman sa pagtulog mo, at sa halip na ginagawa mong aquarium ng pet fish mo o di kaya ginagawa mong jewelry box, bakit di na lang i-donate devah? Lalo pa pahirapan sa paggamit ng toilet sa mga evacuation centers. O di kaya hindi nila magamit ang CR sa mga bahay nila kasi lubog pa rin sa baha. I’m sure, maa-appreciate yan ng pagbibigyan mo. And I’m sure, maiintindihan din yan ng mga nagregalo sa yo dahil mas mapapakinabangan ng ibang tao.

2. Sa halip na itapon o sunugin, i-donate na lang ang mga binigay sa yo ng ex mo or ng kaaway mo. Sa sobrang sama ng loob mo sa ex-BF or ex-GF mo dahil iniwan ka nya at ipinagpalit sa kapitbahay nyo, gusto mo nang sunugin ang iniregalo nya sa yong pillow na may nakasulat pang “I Will Always Love You, Babe”. O devah, ang chaka ng ex mo, kinabog si Mareng Whitney Houston. Pero maghunos-dili ka! Bakit di na lang i-donate sa mga taong nagtitiis matulog sa matigas at malamig na sahig sa mga evacuation centers. Bukod sa naka-contribute ka na para mai-save ang ozone layer dahil hindi mo sinunog yung pillow, nakatulong ka pa, devah?

3. This is the best way para ipamigay ang mga gamit na may sentimental value sa yo na gusto mo nang i-let go. Hanggang ngayon ay itinatago mo pa rin ba ang ginamit mong kumot noong baby ka pa? Or yung banig na minana mo pa sa lola mo? Alam kong may sentimental value sa yo ang mga gamit na yan, pero kung di mo naman ginagamit, sa halip na itago, i-donate mo na lang. I’m sure maiintindihan yan ng nanay mo na nagtago ng baby blanket mo dahil magagamit yan ng ibang babies. At maiintindihan yan ng lola mo kung ipinamigay mo man ang banig na naging saksi sa pagbuo ng inyong angkan dahil mas magagamit yan ng mga pamilyang mas nangangailangan. Besides, mas madaling tanggalin ang attachment mo sa mga gamit na ito dahil mas masarap sa pakiramdam ang makatulong. Pero suggestion lang, labhan mo munang mabuti ang mga ipapamigay mo para di naman amoy baul. Tutulong ka na rin lang, eh lubus-lubusin mo na.

4. I-let go na ang mga damit na hindi na kasya sa yo. Tanggapin ang katotohanan na hindi na maibabalik sa size 24 ang bewang mo na size 34 na ngayon at hindi na medium kundi XL na ang size ng t-shirt mo. Wag na maging ilusyunada. I-donate na ang mga damit na yan sa mga biktima na wala nang naisalba ultimo damit noong baha.

5. This is the best way to declutter. Para mas bongga, mag-conduct ng garage sale. At ang perang kikitain ay i-donate sa mga Ondoy victims. Therapy daw ang decluttering. At ang sabi pa nga, less is more. Aanhin mo naman ang santambak na gamit kung di mo naman kailangan? Halimbawa, kailangan mo ba talaga ng 50 pieces ng plato eh tatlo lang naman kayo sa bahay? Kailangan mo ba talaga ng 25 inflatable pools na tuwing summer mo lang naman nagagamit? Kesa nakatambak lang at nakakapagpasikip ng bahay nyo, i-donate na lang. At para mas bongga, mag-conduct ng garage sale at ibenta ang mga gamit na hindi na kailangan. Advisable din ito sa mga collectibles mo. Halimbawa, ibenta na ang mga nacollect mong books or toys. At ang perang malilikom sa garage sale na ito ay i-donate sa mga Ondoy victims. Bongga devah! Dahil kung iisipin mo, mas maswerte ka dahil may mga gamit ka pa, di kagaya ng iba na sa isang iglap, ang mga pag-aari nila biglang nawala.

6. Magdonate ng lakas. Be a volunteer. Hindi lang naman gamit ang pwedeng i-donate, pwede ka ding mag-donate ng iyong time, power, and energy sa pamamagitan ng pagvo-volunteer sa iba’t ibang organizations. Pwede kang tumulong mag-repack ng mga relief goods or pwede kang tumulong para mai-distribute ang mga donations na ito sa mga lugar na lubhang nasalanta ng bagyo. Pwede ka ding sumama sa pag-rescue sa mga kababayan natin kung marunong kang lumangoy, magbangka or mag-surf. But wait, there’s more, pwede ka ding mag-donate ng prayers. Ipagdasal na sana eh maka-recover agad ang mga victims. Ipagdasal din ang mga namatay sa flash flood gayundin ang mga nagbuwis ng buhay para tumulong sa pag-rescue. Ipagdasal din na sana hindi na maulit ang trahedyang ito.


Madaming paraan para makatulong kung gugustuhin mo. Tandaan din na kahit hindi ka gaanong naapektuhan ng bagyong Ondoy, meron tayong moral obligation sa mga kababayan nating naging biktima. And always remember, it’s better to give than to receive. Ang lahat ng ibinigay mo, merong mas magandang kapalit.

That’s all mga chochal, til next issue!

No comments:

Post a Comment