Isa na sa mga favorite past-times nating mga Pinoy ang manood ng sine. Pero dahil chochal ka, dapat alam mo ang mga do’s and dont’s na dapat sundin kapag nanonood ng sine. So ano pang hinihintay nyo, ang susunod na sequel ng Shake, Rattle & Roll?! Read on!
Do’s
1. Silent thy phone.
Ito na yata ang isa sa mga gasgas nang paalala na paulit-ulit na ina-announce bago pa mag-umpisa ang movie pero meron at meron pa ring mga pasaway na hindi sumusunod. Ang nakakaasar pa, kung kelan emote na emote ka na sa linya ni Popoy (John Lloyd Cruz) kay Basia (Bea Alonzo) sa One More Chance na “you loved me at my best, she had me at my worst, and u chose to break my heart…” at handa nang tumulo ang luha mo from your right eye going down to your left cheek eh biglang may tumunog na mp3 ring tone ng “Papaya” ni Edu Manzano! Kaimbyerna devah! Kaya make sure lang na bago ka pumasok sa loob ng sinehan, eh i-silent mode mo muna ang cel mo noh! Pwede?!
2. Silent thy self.
Minsan, hindi lang cellphone ang dapat mong i-silent mode. Minsan, kailangan mo ding i-silent ang bibig mo. Alalahanin mo na nasa sinehan ka with different people na may iba’t ibang moods, trip, kulay, amoy, etc. Wala ka sa sarili mong pamamahay kaya di uubra ang trip mo na mag-ingay na dinig ng buong neighborhood. Magkaroon ng kahit konting finesse. Okay lang naman na mag-emote o ma-carried away sa pinapanood mo pero make sure lang na hindi ka nakakaistorbo ng ibang tao. Okay lang din kung halimbawang lahat kayong nanonood ay napapasigaw sa bawat scary at kagulat-gulat na eksena sa “Sukob” or mapapahagalpak ng tawa sa “Manay Po”. At least, di ka nag-iisa. Ang nakakainis kasi eh yung tatlong beses mo na pala napanood yung movie at halos kabisado mo na ang bawat eksena at linya tapos eh ia-announce mo pa sa loob ng sinehan na parang State of the Nation Address ang mga susunod na scenes. At uunahan mo pang mag-dialogue yung bida as if ikaw yung sumulat ng script. At talagang hindi ka pa nakuntento dahil inannounce mo din ang ending as if ikaw si Nostradamus! Kaimbyerna talaga! Kung ganyan din lang ang gagawin mo, eh di sana ikaw na lang ng binayaran nila noh! Babayaran ka nila para lumayas ka sa loob ng sinehan dahil kunsumisyon ka!
3. Silent thy neighbor.
Same lang din ng number 2. Palitan lang ang mga words na “mo” ng “nya” at “ka” or “ikaw” ng “sya”. Kung paanong pagpapatahimik ang gagawin mo sa katabi mo, eh problema mo na yan noh! Magdala ka ng bulak para sa tenga mo kung gusto mo.
Dont’s
1. Huwag magdala ng mga “smelly foods”.
Hindi na ako magtataka kung bakit ipinagbabawal na sa ilang mga sinehan ngayon ang magdala ng sariling food sa loob ng sinehan not unless sa sarili nilang snack bar ikaw bibili. Na-experience ko na kasi dati na may nakasabay akong manood na nagbaon ng pancit palabok. Pancit palabok pa yun sa Jollibee if I am not mistaken. Pramis, nawala ang concentration namin sa pinapanood naming “Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?” dahil napunta na ang attention ng mga nanonood sa nagtatawag na amoy ng pancit palabok. Eh pancit palabok pa lang yun noh! Pano pa kung bagoong, durian, longanisa, at higit sa lahat, kamote (if you know what I mean) ang dinala sa loob ng sinehan?! Kaya hayaan mo na lang ang mga the usual na popcorn, potato chips, or peanuts ang baunin mo sa loob para na rin sa ikapapayapa ng mga kapwa mo nanonood.
2. Huwag tumingin sa kung saan-saan.
Just focus and concentrate sa pinapanood mo dahil sayang din ang ibinayad mo dyan noh! Ang mahal pa naman ng bayad sa sine ngayon, para ka na ring kumain ng tatlong beses sa isang araw! Kaya wag na tumingin pa ibang bahagi ng sinehan, lalo na sa kasuluk-sulukan, kadilim-diliman, at kadulu-duluhang bahagi dahil baka kung ano pang hindi karapat-dapat ang makita mo. Ikaw din, baka singilin ka din nila, eh di doble pa ang babayaran mo, devah?
3. Don’t be afraid to show your emotions while watching.
Emote kung emote. Cry kung cry. Laugh kung laugh. Afraid kung afraid. Basta make sure lang na di ka nakakaistorbo ng ibang tao. Hindi din masama kung magbigay ka ng masigabong palakpakan pagkatapos ng movie to show some appreciation. Dahil ang tunay na chochal, marunong mag-appreciate ng kagandahan, mapa-movie pa yan o kung anupaman.
No comments:
Post a Comment