Of all days in a week, pinaka-hate na yata ng lahat ang Monday dahil ito ang first day of work or school. Pagtuntong pa lang ng Sunday, how you wish na sana meron kang super powers to freeze time nang sa ganon, hindi na dumating ang araw kinabukasan, which is Monday. Kaso, isa ka lang taga-lupa na amoy lupa at walang super powers. Wala kang kayang pigilin kundi ang hininga mo. Whether you like it or not, dadating at dadating pa din ang Monday. That’s why instead of hating it, why not love it, devah? Here’s how.
1. Instead of saying “hay, Monday na naman”, say “Yes! Four days na lang Friday na naman”. Tapos gumawa ka ng sarili mong countdown hanggang sumapit ang Friday, yung parang ginagawa kapag malapit na ang Christmas. Halimbawa, “96 hours to go before Friday” o di kaya “5,760 minutes to go before Friday”. Di mo mamamalayan, Friday na pala. O devah, ang saya! Pero wag mo naman ituon ang buong week mo sa countdown noh! Magtrabaho ka naman dyan para me pambili ka ng bagong relo. O di kaya mag-aral ka para malaman mo how many hours are there in a day, or how many minutes are there in an hour para marunong kang mag-countdown!
2. Instead of saying “thank God, it’s Friday”, say “thank God it’s Monday”. Kung nagpapasalamat ka kay Lord sa pagsapit ng Friday, bakit di ka rin magpasalamat na dumating ang Monday devah? Bakit hihintayin mo pa ang Friday para magpasalamat? Monday pa lang magpasalamat ka na for the beginning of a wonderful week. Pero syempre hindi lang Monday at Friday ang dapat ipagpasalamat. Isama mo na rin ang Tuesday, Wednesday, at Thursday dahil baka magtampo sila. Wag din dedmahin ang Saturday at Sunday. Dahil kapag ang isa sa mga days na yan ay hindi dumating sa buhay mo, then tapos na ang maliligayang araw mo dahil rest in peace ka na.
3. Instead of saying “I hate Mondays”, say “I love bonggang-bonggang Mondays”. Isipin ang mga dahilan kung bakit love mo ang Monday. Halimbawa, pagsapit ng Monday makikita mo na naman ang crush mong classmate or officemate. Kung estudyante ka, love mo ang Monday kasi may allowance ka na naman. Kung nagtatrabaho ka naman, love mo ang Monday kasi makakapag-internet ka na naman nang libre at one to sawa ka na naman sa pag-check ng Facebook, Twitter or Friendster mo at makakapag-ikot ka naman sa Tristancafe. Higit sa lahat, dahil Monday mapapanood mo na ang kapana-panabik na continuation ng sinusubaybayan mong telenovela
4. Start the week right. Para maganda ang buong week mo, dapat Monday pa lang bongga ka na para mahawa yung ibang days of the week mo. Eh kung Monday pa lang nakasimangot ka na, baka hanggang Friday nyan parang nginuyang chewing gum ang mukha mo. Ang chaka naman nun devah. So what kung Monday pa lang nasermunan ka na agad ng boss mo? Or Monday pa lang tinambakan ka na ng mga assignments, projects at quizzes ng teacher mo? Isipin mo na lang na sa telenovela ng buhay mo, ikaw ang bida at sila ay mga kontrabida. Alalahanin mo na ang papel ng bida ay para apihin, maliitin at alilain ng mga kontrabida. Pero alalahanin mo din na bukas, luluhod ang mga tala. O devah, ang taray ng byuti mo para ka lang si Sharon Cuneta!
DJ BRYNER RNB 92.7 HOT FM RADYOKO 'TO!!!!
No comments:
Post a Comment