Umpisa na naman ng “ber” months. At sa ganitong panahon, ayon sa survey, active na naman ang mga masasamang-loob. At masasamang-mukha. Para makaiwas sa modus-operandi ng mga taong ito at hindi ka mabiktima, narito ang mga tips na dapat sundin ng mga ka radyo natin to develop your street smart skills.
1. Give that poker face. Sa saliw ng kanta ni Lady Gaga, give your most astonishing po-po-po-poker face. Or para mas effective, yung tiger-look, or yung mukhang para kang asong bagong panganak. Yung tipong pangingilagan ka ng mga holdaper na lapitan ka, if not, magdalawang-isip sila na biktimahin ka. Mas okay kung sila pa mismo ang matatakot sa harabas ng mukha mo. Wag mo din masyadong ipahalata na tatanga-tanga ka at madaling biktimahin, kahit na alam kong sobrang effort ito para sa yo dahil ito talaga ang natural mong facial expression.
2. Be vigilant at all times. Kapag nasa lansangan, kailangan maging alert and attentive ka. Yung parang nakainom ka ng sampung tasang kape. Kapag nararamdaman mo na may sumusunod o lumalapit sa yo, pakiramdaman kung may masama ba syang balak sa yo, o baka naman yung inutangan mo lang na sinisingil ka dahil one year mo nang di binabayaran. Alamin din ang mga lugar na medyo risky, kagaya ng university belt area, para kapag andun ka eh wag kang tatanga-tanga kung ayaw mong mabiktima. Alamin din ang mga nababalitang modus operandi nang sa gayon ay maiwasan mo at di ka maging primitive.
3. Observe the people around you. Obserbahan ang mga kilos, facial expression, body movements, kung type mo pati amoy at favorite color, ng mga tao sa paligid mo. Halimbawa, kung sasakay sa mga pampublikong sasakyan, observe kung merong pasahero na kahina-hinala ang mga ikinikilos. Isa daw sa mga signs ay kung restless at malikot ang mata. Kung ma-notice mo na may kasakay ka sa bus na threat sa sarili mong kaligtasan, pumara at bumaba. Kesehodang nasa kalagitnaan ka ng Skyway.
4. Think like a criminal. Correction lang, di ko ibig sabihin na mangholdap or mandukot ka. What I mean to say is, put yourself in their shoes. Halimbawa, kung isa kang snatcher, sino ang mga madaling biktimahin? Syempre, yung mga taong walang pakialam sa mundo kung maglakad sa lansangan at basta na lang nakabuyangyang ang bag. Or kung isa kang mandurukot, sino ang mga dudukutan mo? Syempre yung mga taong hindi maingat sa mga gamit nila or nakatiwangwang lang ang cellphone. Kung na-anticipate mo ang mga bagay na ito, pwes iwasan mong gawin devah, para wag kang mabiktima.
No comments:
Post a Comment