Tayo talagang mga Pinoy, mahilig kumain. In fact yung iba nga, gumagastos pa ng USD 15,000 sa pagkain! Pero syempre, kung mahilig kang kumain, dapat alam mo rin ang mga table manners. Dahil kung wala kang table manners, wala kang karapatang mag-stay sa dining table.
In the tradition of Table Manners the Chochal Way, at dahil ang lahat ng Part 1 ay may Part 2, narito na ang iba pang tips para madagdagan ang kaalaman sa proper decorum sa harap ng pagkain. Ipakita mo sa mga kasama mo na bukod sa chochal ka, may manners ka pa. Bongga devah!
1. Chew your food at least 15 times before swallowing, o di kaya kasingtagal ng dalawang “Happy Birthday”. Nguyain mo naman mabuti yung mga isinubo mong food bago mo lunukin. Siguraduhin na pinong-pino muna ang pagkain. Hindi ibig sabihin na ang kinain mong litson ay litson pa rin pag pinadaan mo sa digestive system. Sige ka, baka mabulunan ka nyan o di kaya eh di matunawan. Ang chaka naman nun devah. Ngumuya ng mga at least 15 times or para mas bongga yung kasingtagal ng dalawang Happy Birthday. At para mas bonggang-bongga sundan mo na rin ng Litany of the Blessed Virgin Mary. Tignan lang natin kung di ka pa matunawan nyan.
At syempre, alamin din ang paraan ng tamang pag-chew. Dapat yung di masyadong obvious na ngumunguya ka, baka mapagkamalan kang kambing nyan. Dapat yung pasimple lang, yung parang nagpapacute ka lang. Yung di malaman ng mga kasama mo kung ngumunguya ka or pasmado lang ang mukha mo.
2. Punasan ang bibig ng table napkin pagkatapos kumain, para di masyadong obvious yung nagmamantika mong labi. Ang table napkin ay hindi sinusulatan ng cel number ng crush mong waiter. Ipinampupunas yan ng bibig pagkatapos mong kumain para tanggalin yung sebong nakadikit sa ibabaw ng nguso mo or kung anu-ano pang leftovers na nakadikit sa paligid ng bibig mo or sa iba’t ibang parte ng mukha mo. At take note lang, ang table napkin ang ipinampupunas sa bibig at HINDI ang table cloth. Wag masyadong ipahalata na primitive ka.
3. Huwag gawing suklay ang tinidor at salamin ang kutsara. Dun ka sa CR, dun ka nababagay. Alam ko na nakakawalang gana ang pagmumukha mo, pero wag mo namang idamay ang kutsara’t tinidor sa problema sa mukha mo. Ginagamit yan sa pagkain, hindi para gamitin sa pagiging chaka mo. Dun ka magsuklay at magpaganda sa CR. Or para mas maganda, dun ka na lang mag-stay forever.
4. Wag mag-burp o dumighay sa harap ng mesa. Masyadong obvious kung ano ang kinain mo. Although it’s an acceptable custom to some countries to burp to show to the host that you appreciate the food, pwes, andito ka sa Pinas. At dito sa atin, karumal-dumal yan. Masyadong obvious ang kinain mong longganisa na namumutiktik sa bawang. Kalevel na nyan ang pagkakaroon ng bad breath. Kung di mapigilan, takpan ng napkin ang bibig at saka dumighay. Or para mas bongga, takpan ang mukha saka umalis. Pero siguraduhin munang bayad ka na or else baka mapa-barangay ka pa.
5. Ang tinga ay hindi kinakain. Hindi kasama sa dessert yan. Hindi komo mahal ang kinain mo eh gusto mong sulitin ang ibinayad mo kaya ultimo mga tinga eh kakainin mo na rin. That is so eewww! Pagkatapos magtooth-pick, ilagay ang tinga sa isang napkin at takpan. Hindi ito ibinabalik sa bibig. Sige ka, baka matinga ka uli.
No comments:
Post a Comment